Sitwasyon sa UST kaugnay ng 2023 Bar Examinations ngayong araw, maayos at payapa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanatiling maayos at payapa ang pagsasagawa ng 2023 Bar Examinations dito sa University of Sto. Tomas sa España, Maynila.

Bahagi ng naging pagsusulit kaninang umaga ng mga Barista ang Political and Public International Law.

Mamayang hapon, ayon sa Korte Suprema, sesentro naman sa Commercial and Taxation Laws ang magiging pagsusulit ng aspiring lawyers na magsisimula mamayang alas-2:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.

Habang ang mga nalalabing subjects ng pagsusulit ay kukunin ng mga Bar takers sa Setyembre 20 at 24.

Kaugnay niyan, nanatili ring maluwag ang mga kalsada sa bahagi ng España at sa paligid ng University of Santo Tomas.

Patuloy ang pagbabantay ng Manila Police District sa bahaging ito ng Maynila at may nakatambay ding medic kung sakaling may mangailangan, gayundin ang tropa mula sa Bureau of Fire. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us