Nakatakda nang dalhin sa Regional Explosives and Canine Unit ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang tinatayang 170 mga unexploded vintage bomb sa Pasig City.
Ito’y makaraang iulat sa Pasig City Police Office ang mga naturang bomba mula sa ginagawang condominium building sa Brgy. Manggahan kamakalawa.
Batay sa ulat ni Capt. Dan Latoja ng Pasig City Police, Setyembre 19 nang iulat sa kanila ang pagkakatagpo sa mga naturang bomba matapos na mahukay ito sa pamamagitan ng backhoe.
Agad itong dinala sa tanggapan ng District Explosives Unit ng Eastern Police District o EPD para sa karampatang pagdodokumento sa mga naturang bomba. | ulat ni Jaymark Dagala