2 kasabwat ng mga suspek sa pagpatay sa isang Brgy. Kapitan sa Taal, Batangas, arestado na – PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakaaresto sa dalawang kasabwat ng mga nasa likod ng pamamaril at pagpatay sa Barangay 10 Chairperson Erasmo Hernandez ng Taal, Batangas kahapon.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong hapon, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, na pormal na ring nasampahan ang mga ito ng reklamong Obstruction of Justice.

Batay sa ulat na ipinarating ng Batangas Provincial Police Office sa Kampo Crame, natunton ang dalawang kasabwat ng mga suspek nang magkasa ng follow up operations ang pulisya sa tulong na rin ng CCTV sa lugar.

Doon, nakita kung saan dinala ng mga suspek ang kanilang mga ginamit noong araw na mangyari ang krimen gaya ng motorsiklo, helmet at ang mga damit na kanilang suot.

Nagpapatuloy pa naman ang follow up operations upang matunton ang kinaroroonan ng mga suspek, habang inaalam pa ang motibo sa krimen. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us