216 na indibidwal, nahuli ng PNP sa paglabag sa gun ban

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto ng Philippine National Police (PNP) ang kabuuang 216 na indibidwal sa buong bansa na lumabag sa pagbabawal ng pagdadala ng armas at deadly weapons sa loob ng ang election period ng Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE).

Base ito sa datos mula hatinggabi ng August 28 hanggang 11:59PM ng September 2 na inilabas ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo.

Karamihan o 211 sa mga naaresto ay mga sibilyan, dalawa ang security guard, at isa ang elected government official (EGO).

Pinakamarami sa mga nahuli ay sa hurisdiksyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nasa 64; kasunod ang Police Regional Office-3 (PRO-3) na nasa 46; at pumangatlo ang PRO-7 na nasa 22, na pawang mga sibilyan.

Narekober sa mga naaresto ang kabuuang 130 armas na binubuo ng 126 short firearms at apat na light weapon.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us