22 suspected election related incidents, naitala ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

 

Iniulat ng Philippine National Police (PNP), 22 na ang naitala nilang suspected election related incidents (ERI) base sa datos kaninang alas-8 ng umaga.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, sa bilang na ito dalawa na ang kumpirmadong insidente ng karahasan na may kaugnayan sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ang dalawang ERI ay sa Region 5 at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Siyam na insidente naman sa Region 3, 5, 8, 9, 12, at 13 ang napatunayan na walang kaugnayan sa eleksyon.

Habang ang iba pa ay kasalukuyang sumasailalim sa validation.

Una naring sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., na may ilang barangay officials na ang humingi ng proteksyon sa PNP dahil sa banta sa kanilang buhay, na ikinokonsiderang pagbigyan depende sa threat assessment. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us