239 na checkpoint ang inilatag ng pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Visayas Command (VISCOM) at Philippine National Police (PNP) sa buong Visayas region.
Bahagi ito ng ipinatutupad na seguridad sa rehiyon para sa filing ng Certificates of Candidacy (COC) at nationwide gun ban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay VISCOM Commander Lieutenant General Benedict M. Arevalo, 1,297 na tauhan ng AFP, na binubuo ng apat na opisyal, 630 enlisted personnel at 663 CAFGU Active Auxiliary ang dineploy sa naturang mga checkpoint para umalalay sa mga pulis.
Habang 110 opisyal naman ang kanilang itinakda bilang Joint Security Coordinating Council (JSCC) liason officers, para makipag-coordinate sa PNP, COMELEC, at Phil. Coast Guard (PCG), sa pagpapatupad ng seguridad sa buong election period.
Inengganyo naman ni Lt. Gen. Arevalo ang mga mamamayan sa Visayas na aktibong makilahok sa BSKE, kasabay ng pagtiyak na ‘committed ang AFP na siguraduhin ang isang mapayapa at maayos na halalan. | ulat ni Leo Sarne
📷: VISCOM