Umabot sa 24 na pulis ang nag-positibo sa confirmatory drug test ng PNP Forensic Group mula Enero hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Police BGen. Constancio Chinayog, hepe ng PNP Forensic Group, ito ay mula sa mahigit 115,000 mga pulis sa iba’t ibang panig ng bansa na naisailalim sa random drug testing sa loob ng naturang panahon.
Paliwanag ni Chinayog 24 ang positibong resulta sa inisyal na random drug test na isinailim sa confirmatory test, at 24 din ang kumpirmado.
Kasama na rito ang dating hepe ng Mandaluyong na sinibak sa pwesto na si Police Col. Cesar Gerente.
Sinabi ni Chinayog na nanganganib na masibak sa serbisyo ang 24 na pulis na nahaharap ngayon sa kasong administratibo. | ulat ni Leo Sarne24 na pulis, positibo sa confirmatory drug test