Irerekomenda ng Philippine National Police (PNP) na mapabilang sa “red category” o “areas of grave concern” ang 246 na barangay sa bansa, para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame, ngayong araw.
Bukod dito, sinabi ni Fajardo na 1,248 barangay naman ang kanilang irerekomenda na mapabilang sa “orange category,” na pangalawang pinakamataas na antas ng seguridad; at 1,100 naman sa “yellow category”.
Nilinaw naman ni Fajardo, na ito ay rekomendasyon palang na tatalakayin pa sa pagpupulong ng National Joint Peace and Security Coordinating Center kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard.
Pagkatapos aniya nito ay isusumite nila ang pinal na rekomendasyon sa Committee on Firearms Ban and Security Concerns, upang mapagdesisyunan ng COMELEC en banc. | ulat ni Leo Sarne