34 lider ng TODA mula 10 EMBO barangays na nakapaloob na sa Taguig City, opisyal nang nanumpa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanumpa ang nasa 34 na leaders ng Tricycle Operators and Drivers’ Associations (TODAs) ng 10 Embo barangays bilang mga bagong opisyal at miyembro ng EMBO Tricycle Taguig Federation (EMTRITAGFED).

Personal na nanumpa ang mga naturang lider kay Taguig City Mayor Lani Cayetano upang opisyal na maging bahagi ng transportation sector ng lungsod.

Aniya, handa siyang makipagtulungan sa TODA at papakingggan ang kanilang hinaing at pangangailangan upang maisapinal na nila ang mga nararapat na programa at benepisyo ng transport group lalo na nakapaloob na sila sa hurisdikyon ng Taguig.

Dagdag pa ng alkalde, kinikilala ng Taguig City government ang kahalagahan ng transport sector dahil bahagi sila ng Taguig Community at nais ng mayora na ipadama sa kanila ang TLC o Transformative, Lively at Caring City ng Taguig.

Lubos naman na nagpapasasalamat ang mga TODA leaders at members ng 10 Embo barangays sa napakainit na pagtanggap at suporta ng Taguig City at naliwanagan na sila sa napakagandang layunin at hangarin sa kanila ng lokal na pamahalaan ng taguig. | ulat ni AJ Igancio

📷: Taguig LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us