3rd Quarter NSED, matagumpay na isinagawa sa Tagbilaran, Bohol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na idinaos ngayong hapon sa Tagbilaran, Bohol ang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED), na sinabayan sa buong bansa sa pamamagitan ng online sites ng Office of Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang aktibidad ay kasabay ng paggunita ng ika-10 anibersaryo ng Bohol Earthquake, na tumama sa lalawigan noong Oktubre 15, 2013.

Ang Ceremonial pressing of the button na hudyat ng pagsisimula ng “duck, cover and hold move” ay pinangunahan nila DILG Undersecretary Serrafin Baretto Jr. na kumatawan kay DILG Sec. Benjamin Abalos Jr.; OCD Deputy Administrator for Operations Asst. Secretary Hernando Caraig, na kumatawan kay DND Sec. Gilbert Teodoro; PhiVolcs Director Teresito Bacolcol; at Tagbilaran Vice Mayor Adam Relsonsala.

Bilang bahagi ng aktibidad, nagkaroon ng demonstration ng response capabilities; command and control systems at kahandaan ng mga ahensya sa pagresponde sa mass casualty, gumuhong mga istraktura, sunog at iba pa, sa simulasyon ng 7.2 magnitude earthquake scenario. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us