40 miyembro ng KADAMAY sa Bulacan, tumiwalag sa kilusang komunista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idineklara ng 40 miyembro ng KADAMAY o Kalipunan ng Damayang Mahihirap sa Bulacan ang kanilang pagtiwalag sa ‘front organization’ ng kilusang komunista sa Barangay Siling Bata, Pandi, Bulacan.

Sa seremonyang pinangunahan ng Northern Luzon Command (NOLCOM) kahapon, itinakwil ng grupo ang kilusang komunista sa pamamagitan ng pagsunog sa bandila ng CPP-NPA at bandera ng KADAMAY, kasunod ng panunumpa ng katapatan sa pamahalaan.

Ang aktibidad ay isinagawa kasabay ng pagdiriwang ng “National Peace Conciousness Month” na may temang “Kapayapaan ay Responsibilidad ng bawat Mamamayan”.

Ang 40 nagbalik-loob ay kabilang sa grupo ng KADAMAY na nag-take over sa pabahay ng gobyerno sa Barangay Siling Bata.

Sila ay lumipat sa grupong Samahan ng Malayang Kapatiran Para sa Kapayapaan (SAMAKKA), na kinabibilangan ng mga dating miyembro ng KADAMAY na itinatag ng Regional Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (RTF ELCAC) 3 noong Oktubre 2020.

Sinabi ni Northern Luzon (NOLCOM) Commander Lt. General Fernyl Buca na ang pagbabalik-loob ng mga dating miyembro ng KADAMAY ay patunay na maaring makamit ang kapayapaan at progreso sa pamamagitan ng demokratiko at ingklusibong pamamaraan. | ulat ni Leo Sarne

📷: NOLCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us