6 na NPA patay; 7 armas, narekober sa Bohol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namatay sa pakikipaglaban sa mga tropa ng Philippine Army ang 6 na miyembro ng NPA sa Brgy. Campagao, Bilar, Bohol.

Ito’y sa 6 na magkakasunod na engkwentro sa pagitan ng mga nalalabing miyembro ng Bohol Party Committee sa ilalim ni Domingo Compoc at 47th Infantry Battalion na nagsimula ng pasado alas-7 ng umaga kahapon.

Narekober ng mga tropa ang mga labi ng nasawing terorista at 7 high-powered firearms ng kalaban na kinabibilangan ng limang AR-15 rifle at dalawang AK-47 rifle.

Ayon kay 3rd Infantry Division Commander MGen. Marion R Sison, ang matagumpay na operasyon ay resulta ng kooperasyon ng mga mamamayan na nagbigay ng impormasyon sa lokasyon ng mga terorista.

Binati naman ni AFP Visayas Command (VISCOM) Commander Lieutenant General Benedict M. Arevalo ang mga tropa sa matagumpay na operasyon, kasabay ng pagsabi na ang operasyon ay bahagi ng commitment ng militar na masiguro ang maayos at mapayapang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. | ulat ni Leo Sarne

📷: 3ID

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us