600 AICS beneficiaries, nakatanggap ng ayuda sa Ilocos Norte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa 600 benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang nabigyan ng tulong pinansyal sa dalawang bayan sa Ilocos Norte.

Sa pagpunta ni Ilocos Norte 2nd District Rep. Angelo Marcos Barba sa bayan ng San Nicolas, sinabi ni Mayor Mike Hernando na ito ay upang ihatid ang tulong pinansyal na P3,000 para sa 300 na naapektuhan ng bagyong Egay at para sa mga may sakit upang maipagpatuloy ang kanilang gamutan.

Pinuntahan din ni Cong. Barba ang bayan ng Banna kung saan 300 din ang nabigyan ng tulong pinansyal.

Masaya naman ang mga nakatanggap na residente dahil may pantustos na sila sa mga kailanganin sa araw-araw at pambili ng gamot.

Ang hakbang na ito ni Cong. Barba ay bahagi lamang sa tuloy-tuloy na suporta sa ikalawang distrito ng Ilocos Norte. | ulat ni Ranie Dorilag | RP1 Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us