NHA at DA, naglunsad ng unang KADIWA Store sa Tanay Rizal housing project

Magkatuwang na inilunsad ng National Housing Authority (NHA) at Department of Agriculture (DA) ang unang KADIWA pop-up store sa Eastshine Residences,sa Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal. Sinabi ni NHA General Manager Joeben Tai, na ang NHA ay kaisa na ng DA sa pagsasakatuparan ng kanilang misyon na magbigay sa low-income families ng access sa abot-kaya… Continue reading NHA at DA, naglunsad ng unang KADIWA Store sa Tanay Rizal housing project

Ilang mga bayan ng Pangasinan, nagsuspinde na ng klase dahil sa patuloy na nararanasang masamang panahon

Anim na bayan at isang lungsod na sa Pangasinan ang naglabas anunsyo ukol sa suspensiyon ng klase para sa araw ng Lunes, ika-04 Setyembre 2023. Kanselado ang klase sa lahat ng antas mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa mga bayan ng Binmaley, Infanta, Sta. Barbara, Calasiao, Lingayen, Mangatarem at Dagupan City. Ang nasabing anunsyo… Continue reading Ilang mga bayan ng Pangasinan, nagsuspinde na ng klase dahil sa patuloy na nararanasang masamang panahon

Tamang pagpapatupad sa RCEF, pinatitiyak para sa kapakanan ng mga magsasaka

Sang-ayon si Albay 1st district Rep. Edcel Lagman sa pagtatalaga ng price cap sa regular at well milled rice na ipinapatupad ngayon ng pamahalaan. Magkagayon man, mahalaga din aniya na mabigyan ng sapat na tulong at suporta ang ating mga magsasaka. Isa na rito ang subsidiya para masiguro na competitive ang farmgate price ng palay.… Continue reading Tamang pagpapatupad sa RCEF, pinatitiyak para sa kapakanan ng mga magsasaka

Tatlong key projects, inilunsad ng DTI, kasabay ng inilunsad na Creative Industries Month 2023

Tatlong pangunahing proyekto ang inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI), na nakahanay sa Philippine Creative Industries Month 2023. Kabilang dito ang FiestaKutsa: Philippine Regional Creative Festival, Lunsod Lunsad: Call for Creative proposals at ang 2023 PCIM Celebration. Ayon kay DTI Usec Rafaelita Aldaba,kasabay ng inilunsad na creative industries month, may nakahanay na ring… Continue reading Tatlong key projects, inilunsad ng DTI, kasabay ng inilunsad na Creative Industries Month 2023

Pagpapatupad ng price cap sa bigas, kailangan sabayan ng monitoring ng suplay ng bigas sa buong bansa

Dapat sabayan ng pagtiyak na mayroong sapat na suplay ng bigas sa lahat ng rehiyon ang ipinapatupad ngayong price ceiling sa bigas. Ayon kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, bagamat makatutulong ang pagpapataw ng price cap para mapigilan ang hoarding ay maaari rin itong magkaroon ng negatibong epekto gaya ng shortage o kakulangan… Continue reading Pagpapatupad ng price cap sa bigas, kailangan sabayan ng monitoring ng suplay ng bigas sa buong bansa

OTOP Law, malaking tulong para sa post-pandemic recovery ng MSMEs

Positibo si House Speaker Martin Romualdez na lalo pang sisipa ang pagbangon ng micro, small, and medium enterprises (MSME) mula sa epekto ng COVID-19 pandemic matapos tuluyang maisabatas ang One Town, One Product (OTOP) Philippines Act. Aniya, sadyang idinisenyo ang Republic Act 11960 o OTOP sa layuning makalikha ng ekonomiya na kayang tumayo sa sarili… Continue reading OTOP Law, malaking tulong para sa post-pandemic recovery ng MSMEs

Kauna-unahang Creative Industries Month 2023, inilunsad ng NCCA at DTI

Ipinagdiriwang ng Pilipinas ang masiglang malikhaing industriya o creative industry ngayong buwan ng Setyembre bilang bahagi ng Philippine Creative Industries Month (PCIM) 2023. Opisyal itong ilulunsad ng National Commission for Culture and the Arts at Department of Trade and Industry sa Rizal Park Open Auditorium sa Setyembre 17. Ang diwa ng pagdiriwang na tatagal ng… Continue reading Kauna-unahang Creative Industries Month 2023, inilunsad ng NCCA at DTI

DSWD, hindi na pinapayagan ang pagdadala ng mga bata sa loob ng ahensiya sa pakikipagtransaksyon

Dahil sa limitado lamang ang pasilidad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga kliyente ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), mahigpit nang ipinagbabawal ang pagdadala ng mga anak o mga bata sa loob ng ahensiya. Nilalayon nitong maiwasan ang anumang panganib o aksidente na maaaring mangyari sa mga bata.… Continue reading DSWD, hindi na pinapayagan ang pagdadala ng mga bata sa loob ng ahensiya sa pakikipagtransaksyon

Panukalang magtatatag ng R.I.S.E. program, nakikitang solusyon para makamit ang P20 kada kilo na presyo ng bigas

Muling nanawagan si AGRI-party-list Rep. Wilbert Lee na magkaroon ng pangmatagalang solusyon sa mataas na presyo ng bigas. Ayon sa mambabatas, bagama’t welcome ang price ceiling na P41 kada kilo ng regular milled rice at P45 kada kilo ng well milled rice, kung hindi maiging mababantayan ay posibleng mauwi sa limitadong suplay ng bigas sa… Continue reading Panukalang magtatatag ng R.I.S.E. program, nakikitang solusyon para makamit ang P20 kada kilo na presyo ng bigas

3 tauhan ng QCPD Traffic Sector 4, kinasuhan sa PLEB kaugnay sa gun-toting incident

Tatlong tauhan ng Quezon City Police District Traffic Sector 4 ang kinasuhan sa Quezon City People’s Law Enforcement Board (PLEB) kaugnay sa nag viral na gun-toting incident noong Agosto 8. Mismong si Atty. Raymond Fortun, na umaktong concerned citizen ang nagsampa ng reklamo laban sa traffic policemen. Kinilala ang ito na sina PSSG Darwin Peralta,… Continue reading 3 tauhan ng QCPD Traffic Sector 4, kinasuhan sa PLEB kaugnay sa gun-toting incident