Dalawang mangingisdangnagpalutang-lutang sa karagatan ng Pangasinan, nasagip ng isang foreign cargo vessel

Nasagip ng isang foreign cargo vessel ang dalawang mangingisdang limang oras na nagpalutang-lutang sa karagatang sakop ng Agno, Pangasinan matapos palubugin ng malakas na alon ang bangkang gamit ng mga ito. Ayon sa datos mula sa Philippine Coast Guard (PCG) Pangasinan, pumalaot para mangisda ang mga mangingisda noong ika-30 Disyembre 2023 sa layong 30 nautical… Continue reading Dalawang mangingisdangnagpalutang-lutang sa karagatan ng Pangasinan, nasagip ng isang foreign cargo vessel

Sec. Abalos, nag-alok ng reward para sa mabilis na ikadakip sa mga pumatay sa barangay chairman sa Pangasinan

Nag-alok na ng pabuya na Php 500,000 si DILG Secretary Benhur Abalos sa sinumang makapagbigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng mga pumatay sa barangay chairman ng Pangasinan. Nag-alok ng pabuya ang kalihim, matapos dumalaw sa burol ng pinaslang na si Barangay Poblacion, Mangaldan, Pangasinan Chairman Melinda “Tonet” Morillo, Sinabi niya na walang puwang sa… Continue reading Sec. Abalos, nag-alok ng reward para sa mabilis na ikadakip sa mga pumatay sa barangay chairman sa Pangasinan

Kilo-kilong basura, nakuha sa isinagawang Scubasurero sa Alaminos City

Muling isinagawa ng Local Government Unit (LGU) ng Alaminos City, Pangasinan ang buwanang Scubasurero coastal clean up sa kahabaan at ilalim ng karagatan ng lungsod. Kilo-kilong mga non-biodegradable na basura ang nakolekta ng mga lumahok sa kaganapan. Ang programang Scubasurero ay ang paraan ng pangongolekta ng mga basura sa gilid ng karagatan, gayundin sa ilalim… Continue reading Kilo-kilong basura, nakuha sa isinagawang Scubasurero sa Alaminos City

Bolinao Pangasinan, handa na sa paglobo ng mga turista ngayong Undas

Inasahan ng Bolinao Tourism Office ang paglobo ng mga turistang dadayo sa Patar Public Beach dahil narin na paparating na #Undas2023 ngayong 01 at 02 Nobyembre 2023. Upang suriin ang kahandaan ng mga Tourism establishments sa bayan ay nagsagawa ng spot inspection ang Bolinao Tourism Office sa mga resorts, accommodation, at cottages sa kahabaan ng… Continue reading Bolinao Pangasinan, handa na sa paglobo ng mga turista ngayong Undas

Presyo ng bigas sa pamilihang San Quintin, Pangasinan, bumaba

Bumaba ng P4-5 ang presyo ng bigas sa pamilihang bayan ng San Quintin, Pangasinan kumpara sa presyo nito 2 linggo na ang nakararaan. Sa kasalukuyan, ayon sa rice retailers na nakapanayam ng Radyo Pilipinas Tayug may mabibiling regular-milled rice na P36 hanggang P43 kada kilo. Ang well-milled rice ay nasa P44-P46 kada kilo. Bukod dito… Continue reading Presyo ng bigas sa pamilihang San Quintin, Pangasinan, bumaba

Mga guro sa Pangasinan na may kaanak na tatakbo sa BSKE 2023, ililipat ng barangay na pagsisilbihan sa darating na halalan

Nakatakdang ilipat sa ibang pagsisilbihang barangay ang mga gurong magsisilbing Electoral Board na may kaanak na tatakbo sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023 (BSKE). Sa naging panayam kay Atty. Marino Salas, COMELEC Pangasinan Election Supervisor, ang ganitong pamamaraan ay upang maiwasan ang pagkakaroon ng conflict of interest. Nilinaw ni Salas na ang… Continue reading Mga guro sa Pangasinan na may kaanak na tatakbo sa BSKE 2023, ililipat ng barangay na pagsisilbihan sa darating na halalan

Isinagawang buy-bust operation ng PDEA at PNP, nagresulta sa pagkakabuwag ng isang drug den sa Pangasinan

Nagresulta sa pagkakabuwag ng isang drug den at pagkakaaresto ng apat na indibidwal sa lalawigan ng Pangasinan ang isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan bilang Lead Unit, PDEA Regional Office 1 at Dagupan City Police Station ngayong araw (September 26, 2023). Ginawa ng mga awtoridad ang operasyon… Continue reading Isinagawang buy-bust operation ng PDEA at PNP, nagresulta sa pagkakabuwag ng isang drug den sa Pangasinan

Ilang mga bayan ng Pangasinan, nagsuspinde na ng klase dahil sa patuloy na nararanasang masamang panahon

Anim na bayan at isang lungsod na sa Pangasinan ang naglabas anunsyo ukol sa suspensiyon ng klase para sa araw ng Lunes, ika-04 Setyembre 2023. Kanselado ang klase sa lahat ng antas mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa mga bayan ng Binmaley, Infanta, Sta. Barbara, Calasiao, Lingayen, Mangatarem at Dagupan City. Ang nasabing anunsyo… Continue reading Ilang mga bayan ng Pangasinan, nagsuspinde na ng klase dahil sa patuloy na nararanasang masamang panahon

Sinucalan River sa lalawigan ng Pangasinan, nasa Near Critical Level na; Mga BDRRMC, nakaalerto

Tuloy-tuloy ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Sinucalan River dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan sa lalawigan ng Pangasinan. Mula sa 6.60 MASL kaninang 12:00nn ay umakyat na naitalang lebel ng tubig sa 6.80 MASL as of 3:00 PM ngayong araw, September 2. Dagdag dito, 7.00 MASL ang maituturing sa critcal level ng tubig,… Continue reading Sinucalan River sa lalawigan ng Pangasinan, nasa Near Critical Level na; Mga BDRRMC, nakaalerto

Bolinao Falls sa Bolinao, Pangasinan, kasalukuyang sarado sa publiko

Kasalukuyang sarado ang Bolinao Falls sa Bolinao, Pangasinan sa lahat ng turista at bisita dahil kasalukuyan itong nakararanas ng above normal na lebel ng tubig, malakas na water current at maputik na kondisyon ng tubig sa talon. Humingi naman ng paumanhin ang Bolinao Tourism Office sa anumang abala na dulot ng pagsasara at taos-pusong nagpapasalamat… Continue reading Bolinao Falls sa Bolinao, Pangasinan, kasalukuyang sarado sa publiko