8 baybayin sa bansa, positibo pa rin sa red tide

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling positibo sa “red tide toxin” ang walong baybayin sa bansa.

Sa inilabas na advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), umiiral pa rin ang “shellfish ban” sa Sapian Bay partikular sa Ivisan at Sapian sa Capiz, Mambuquiao at Camanci, Batan sa Aklan); karagatan ng Panay; Pilar; President Roxas; Roxas City sa Capiz; coastal waters ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo; baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.

Dahil sa nadiskubreng Paralytic Shellfish Poison (PSP) ay pinagiingat ng BFAR ang publilp sa pagkain ng shellfish na nakukuha sa mga naturang katubigan, dahil mapanganib ito sa kalusugan.

Paalala ng BFAR, ligtas naman kumain ng mga isda, pusit, hipon at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta mahugasan at maluluto itong mabuti.

Samantala, kinumpirma rin ng BFAR na ligtas na sa toxic red tide ang mga coastal waters ng Altavas, Batan, at New Washington sa Batan Bay, Aklan.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us