Nagpaabot ng pakikiramay si Abra Rep. Ching Bernos sa mga naiwan ni Atty. Ma. Saniata Liwliwa Gonzales Alzate, ang human rights lawyer na pinagbabaril ng riding in tandem.
Ayon kay Bernos, kaisa sila sa paghahanap ng hustisya para sa pinaslang na abogado.
Kinondena rin ni Bernos ang paggamit ng dahas ng mga hindi pa kilalang suspek.
Aniya, hindi lang ito pag-atake kay Atty. Alzate ngunit sa buong komonidad ng Abreños.
Wala aniya puwang ang karahasan sa kanilang lalawigan at nanawagan ang mambabatas sa mga otoridad sa mabilis na pag-resolba sa kaso.
Binaril at napatay ng riding in tandem ang biktima habang nakasakay sa kotse na nakaparada sa gilid ng kaniyang bahay sa Bangued, Abra, Huwebes ng hapon.
“We condemn this tragic incident as an attack not only on the life and legacy of Atty. Alzate, but also on the peace-loving community of Abreños – the community that she stood with and fought for. Such cold-blooded violence has no place here in Abra, and we call on the authorities to swiftly resolve the killing of Atty. Alzate and bring her killers to justice to serve as an example of the might of the law against those who wish to disturb our peace in the Province of Abra.” Sabi ni Bernos. | ulat ni Kathleen Jean Forbes