Bagong regional office ng Comelec, pinasinayaan ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasinayaan ngayong araw ang bagong tanggapan ng Commission on Elections – National Capital Region o COMELEC-NCR sa Lungsod ng San Juan.

Ito ang tanggapan na dating matatagpuan sa Intramuros sa Lungsod ng Maynila na inilipat sa 3,000 metro kwadradong government center building sa Brgy. Greenhills sa nabanggit na lungsod.

Pinangunahan ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia ang ribbon-cutting ceremony kasama si San Juan City Mayor Francis Zamora, mga miyembro ng COMELEC En Banc at mga miyembro ng Sangguniang Lungsod.

Dito, nagpasalamat si Garcia sa San Juan City LGU sa pagbibigay sa kanilang Regional Office ng bagong tahanan kaya’t magiging kumbinyente na ang paghahain dito ng Certificates of Candidacy para sa mga taga-NCR na nagnanais tumakbo sa Kongreso.

Aniya, malaking bagay ani Garcia na magkaroon ng sariling tanggapan ang COMELEC lalo’t ito ang punong abala sa tuwing nagdaraos ng halalan ang bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us