Pormal na iniluklok ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner bilang bagong Commander ng Western Mindanao Command (WesMinCom) si dating Philippine Army Vice Commander Maj. Gen. Steve D. Crespillo.
Isinagawa ang Change of Command Ceremony sa headquarters ng WesMinCom sa Camp Navarro, Zamboanga City kahapon.
Dito’y pinalitan ni MGen. Crespillo si Lt. Gen. Roy M. Galido na una nang umangat bilang ika-66 na Philippine Army Commanding General.
Si Maj. Gen. Crespillo ay miyembro ng Philippine Military Academy “Bigkis-Lahi” Class of 1990.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si MGen. Crespillo sa pagkakataon na pamunuan ang WesMinCom, kasabay ng pagtiyak na gagawin niya ang lahat para matagumpay niyang magampanan ang kanyang bagong misyon. | ulat ni Leo Sarne
📷: SSg. Cesar P. Lopez