Idineklara ng Parañaque City Police Office bilang traffic discipline zone ang Barangay Baclaran sa naturang lunsgod.
Dito, mahigpit na ipatutupad ang pulisya ang batas trapiko, mga ordinansa at iba pang kautusan upang tiyakin ang kaligtasan, kapayapaan at seguridad sa komunidad.
Kabilang sa nasasakupan ng traffic discipline zone ay ang kahabaan ng service road sa harap mismo ng Baclaran Redemptorist Church.
Maliban sa pagmamando ng trapiko, mahigpit ding ipinagbabawal ang pagtitinda sa paligid ng simbahan lalo pa’t dinaragsa ito ng mga deboto tuwing Miyerkules.
Ngayong araw ding ito, binuksan na sa daloy ng trapiko ang Redemptorist Road na nasa tabi lamang ng simbahan ng Baclaran na isinara ng humigit kumulang tatlong taon para bigyang daan ang konstruksyon ng LRT1 extension project.
Ayon sa pamahalaang lungsod, malaking tulong ito sa mga motoristang magmumula sa service road patungong Quirino Avenue at maaari ring maging alternatibong ruta patungong EDSA. | ulat ni Jaymark Dagala