Balasahan ng PNP Sulu, isinagawa bago ang BSK Elections sa Oktubre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa na ang mga tauhan ng Sulu Police Provincial Office sa pagpapatuapd ng seguridad para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre ng taong kasalukuyan. 

Ito ay matapos isagawa ang balasahan ng mga opisyal nito na nakatalaga sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa lalawigan lalo na ang mga matagal na sa lugar na kanilang nasasakupan bago pa man ang election period na nagsimula nung Lunes, ika-28 ng Agosto.

Isa na rito si PCpt. Rizhard Julkarnain, Office In-Charge ng Pandami Municipal Police Station na inilipat sa bagong area of responsibility nito nung ika-17 ng Hulyo ngayong taon mula sa bayan ng Tapul.

Umaasa si Julkarnain na mananatili na siya sa naturang bayan hanggang sa BSKE sa ika-30 ng Oktubre na hindi na magkaroon pa ng balasahan o anumang pagbabago.

Aniya, kabilang dito ang kaniyang mga tauhan matapos isailalim sa assessment na hindi na rin kailangan pang ilipat sa ibang himpilan dahil wala naman silang ugnayan sa mga kakandidato sa nalalapit na halalan.

Una rito, inatasan ang PNP higher headquarters ang regional offices nito na ilipat sa ibang lugar ang mga pulis na may ugnayan sa mga kakandidato sa darating na BSKE upang matiyak na hindi nila maimpluwensahan ang halalan.  | via Fatma Jinno | RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us