Muli na namang nireklamo ng kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman ang Chairperson ng Barangay Kaligayahan at dalawa pang opisyal nito.
Kasong ‘Anti-Graft and Corrupt Practices Act’ at ‘Falsification of Public Document’ ang isinampa laban kina Barangay Chairperson Alfredo Roxas, Kagawad Arnel Gabito at Barangay Treasurer Hesiree Santiago.
Inakusahan ni Arjean Abe, dating kawani ng Day Care Center ng Barangay Kaligayahan ang mga akusado dahil sa paggamit ng kanyang pangalan sa payroll kahit nagbitiw na siya sa trabaho.
Kasama pa rin sa payroll sheet ang kanyang pangalan at may kumokolekta sa buwanang sahod.
Nalaman lamang niya ito ng sabihin ng isang kakilala na nakadiskubre sa umano’y anomalya.
May nauna nang kaso ang isinampa sa Ombudsman laban kina Chairperson Roxas, Kagawad Arnel Gabito, at Barangay Treasurer Hesiree Santiago. | ulat ni Rey Ferrer