Bilang ng micro rice retailers sa NCR na nakatanggap na ng cash aid sa DSWD, umakyat na sa 1,900

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa mahigit 1,900 micro rice retailers sa Metro Manila ang nakatanggap ng cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD-NCR).

Ito ay mula sa mga ikinasang cash aid payout sa 17 LGUs sa rehiyon mula Sept. 9 hanggang nitong Sept. 26.

Ang bawat kwalipikadong rice retailers na natukoy ng Department of Trade and Industry (DTI) ay nakatanggap ng P15,000 cash assistance sa ilalim ng DSWD Sustainable Livelihood Program—Cash Assistance for Micro Rice Retailers.

Ito ay alinsunod pa rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na tulungan ang micro rice retailers na naapektuhan ng implementasyon ng price cap sa bentahan ng regular at well-milled rice.

Kaugnay nito, mahigit P30 milyong pondo na ang nailaan ng DSWD-NCR sa para sa first batch ng mga benepisyaryo.

Inaasahan namang madaragdagan pa ito sa mga susunod na araw lalo’t nagsimula na rin ang pamamahagi ng cash assistance sa sari-sari store owners. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us