Panloloko lang ang bomb threat sa MRT-3 na ipinadala sa pamamagitan ng email kaninang umaga.
Ito ang pahayag ng Inter-Agency Task Force ng Department of Transportation matapos ang isinagawang masusing pag-iinspeksyon sa mga istasyon ng tren ng MRT-3.
Ayon sa IATF-DOTr, wala ring nakitang mga kahina-hinalang bagay na maaaring magdulot ng panganib sa mga commuter.
Gayunman, patuloy pa rin na ipatutupad ang mahigpit na seguridad sa MRT-3.
Hinikayat naman ng IATF-DOTr ang publiko na i-report ang kahina-hinalang aktibidad, gayundin ang pagpapaalala sa mga netizen na iwasan ang pagpakakalat ng maling impormasyon na magdudulot ng taranta sa publiko. | ulat ni Diane Lear