BSKE sa 3 barangay sa Taal Volcano Island, tuloy — Comelec

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado ang Commission on Elections o COMELEC na tali ang kanilang kamay hinggil sa usapin ng pag-dissolve sa tatlong barangay na nakapaloob sa Taal Volcano Island.

Ito ang inihayag ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia kasunod ng panawagan ng mga alkalde na nakasasakop sa naturang isla na i-dissolve na ang mga naturang barangay.

Ayon kay Garcia, wala sa kanilang kapangyarihan ang mag-dissolve ng barangay dahil tanging ang Kongreso ang mayroong kapangyarihan na gawin ito.

Magugunitang nabura ang mga naturang barangay matapos mag-alburuto ang Bulkang Taal.

Sinabi ng poll chief na tuloy pa rin ang BSKE sa naturang mga barangay kahit pa deklarado itong nasa loob ng Permanent Danger Zone. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us