CSC, ikinatuwa ang pakikiisa ng mga empleyado ng gobyerno sa ginanap na “Plant Run” activity

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Civil Service Commission Chairperson Karlo Nograles sa mga empleyado ng gobyerno na nakiisa sa “Plant Run” activity sa Barangay Cuyambay, Tanay Rizal kahapon, September 17.

Hindi inaasahan ni Chairperson Nograles na libu-libong kawani at opisyal ng mga tanggapan ng gobyerno mula sa Calabarzon, Mimaropa, at Metro Manila ang nakilahok sa aktibidad ng CSC.

Sa pagtaya ng Philippine National Police umabot ng mahigit 2,000 indibidwal ang lumahok sa “Plant Run” activity.

Binigyang diin rin ng opisyal ang malaking gampanin ng mga kawani ng pamahalaan sa pangangalaga ng kalikasan para sa susunod na henerasyon.

Ayon sa CSC, ang perang nalikom mula sa aktibidad ay gagamitin sa Pamanang Lingkod Bayani (PLBi), isang programa na nagbibigay pagkilala para sa mga kawani ng pamahalaan na nasawi sa panahon ng kanilang paglilingkod.

Bibigyan ng tulong pinansyal at scholarship ang mga miyembro ng pamilya na kanilang naiwan.

Ang ginanap na Plant Run ay bahagi ng ika-123 taong anibersaryo ng Philippine Civil Service Commission. | ulat ni Rey Ferrer

📷: PIA-CALABARZON

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us