Dating PNP Chief Gen. Azurin, inakusahan si Gen. Sermonia na nagkakalat ng ulat ng kanyang “deportation” sa Canada

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inakusahan ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Retired Police General Rodolfo Azurin Jr. si PNP Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Rodel Sermonia na nagkakalat ng kasinungalingan tungkol sa kanyang umano’y pagkaka-deport sa Canada.

Sa isang text message na nakarating sa mga mamamahayag sa Camp Camp Crame, sinabi ni Gen. Azurin na si Sermonia ang nagpapadala ng mga mensahe tungkol sa insidente.

Spekulasyon ni Gen. Azurin na baka si Sermonia ang nag-tip sa Canadian Immigration sa pamamagitan ng mga kasinungalingan sa layong ipa-deport siya.

Pero nilinaw ni Azurin na hindi ganun ang nangyari at magbibigay siya ng pahayag sa media sa takdang panahon.

Panawagan ni Gen. Azurin kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda na alamin ang katotohanan sa pangyayari dahil lahat aniya ng “footprints” ay patungo kay Lt. Gen. Sermonia.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us