Dating Pulis na matagal nang pinaghahanap ng batas, naaresto ng PNP Intelligence Group

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Intelligence Group ang isang dating pulis na matagal nang pinaghahanap ng batas.

Sa ipinatawag na pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong hapon, kinilala ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. ang naturang pulis na si Joel Cosuelo Villanueva, na dating may ranggong SPO1.

Ayon kay Acorda, naaresto si Villanueva kasunod ng matagal nang pagmamanman dito sa kaniyang pinagtataguan sa isang subdibisyon sa Cainta, Rizal kaninang alas-6:30 ng umaga.

Taong 1995 nang masibak si Villanueva sa serbisyo, matapos mahatulang guilty sa kaosng homicide kaugnay sa pagpatay sa isang sundalo gayundin sa iba’t ibang krimen.

Dalawang beses ding naaresto si Villanueva, matapos makatakas sa magkakahiwalay na pagkakataon mula sa Lucena City Jail, at isang ospital habang sumasailalim sa medical examination.

Kabilang si Villanueva sa mga top most wanted ng PNP at may patong na mahigit P200,000 sa ulo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us