Bumuo na ng Technical Working Group (TWG) ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Urban Poor Action Committee (UPAC).
Nilalayon ng TWG na mas pabilisin pa ang implementasyon ng programang pabahay na accessible sa mahihirap na sektor.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang pagbuo ng TWG ay tugon sa panawagan ng urban poor groups.
Patunay aniya ito na ang Marcos administration at ang DHSUD ay nakikinig sa lahat ng stakeholders, at inuuna ang kapakanan ng mga mahihirap na mamamayan.
Sa ginanap na pulong ng TWG, unang tinalakay ang mga function ng bawat grupo at ang iba’t ibang housing resettlement concerns.
Pinag-usapan din ang People’s Plan ng UPAC na nagmumungkahi ng mas participative at nakabatay sa solusyon na plano sa pabahay.
Ang UPAC na kumakatawan sa 205,000 pamilya mula sa iba’t ibang grupo ay nangakong makikipagtulungan sa gobyerno sa usapin ng pabahay program.| ulat ni Rey Ferrer