DHSUD, nakipag-ugnayan sa sectoral groups para sa nakatakdang Philippine Urban Forum

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumangguni na sa iba’t ibang sektor ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa pamamagitan ng Environmental Land Use and Urban Planning Development Bureau katuwang ang UN-Habitat bago gaganapin ang Philippine Urban Forum (PhUF) sa susunod na buwan.

Nagpulong ang mga kinatawan mula sa sektor ng kababaihan, kabataan, maralitang tagalungsod, matatanda, akademya at propesyonal para sa pagtalakay sa issues at concerns na kinakaharap ng kani-kanilang sektor.

Ang Philippine Urban forum ay magsisilbing pinakamalaking pagtitipon upang ipakita ang sectoral issues at pagbabalangkas ng mga solusyon na makatutulong sa pagbuo ng Philippine New Urban Agenda (PNUA).

Ayon kay DHSUD Undersecretary Henry Yap, layon ng workshop na mangalap ng mga isyu pati na rin ng mga solusyon mula mismo sa mga stakeholder para sa isang people-centric at inclusive urban development plan.

Sa workshop, itinaas ng youth sector ang pangangailangan na dagdagan ang pakikilahok ng kanilang grupo sa decision-making at planning na may kaugnayan urban development.

Habang ang mga kinatawan mula sa child sector ay iminungkahi na pagbutihin ang mga programa sa pagtatatag at pagsulong ng mga ligtas na lugar para sa mga bata.

Nanawagan din ang mga Urban Poor groups na magkaroon ng karagdagang konsultasyon at talakayan sa gobyerno hinggil sa iba’t ibang programa nito. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us