Nagsimula na ang distribusyon ng financial assistance para sa mga apektadong rice retailers sa Navotas City ngayong araw.
Pinangunahan ng DSWD at DTI ang distribusyon ng ayuda na isinagawa sa Navotas Sports Complex.
Kasama sa proseso sa payout ang registration ng mga apektadong rice retailers, may verification din kung saan ay kasama talaga sa masterlist at mayroon ding profiling bago ang mismong pagbibigay ng P15,000 na ayuda.
Isa naman sa mga unang benepisyaryo rito si Evangeline De Roxas.
Ayon sa kanya, malaking bagay ang tulong na ito ng pamahalaan para madagdagan rin ang kanyang puhunan.
Aniya, sapat na ito para makabili siya ng ilang kaban na maidaragdag niya sa pambentang bigas.
Ayon naman kay Francis Pascual, City Business Permit Officer, sisikapin nilang makumpleto ngayong araw ang distribusyon ng ayuda sa 161 na retailers sa lungsod.
Bukod dito, tuloy-tuloy naman din aniya ang pag-iikot sa mga pamilihan ng kanilang City Agriculture Office para tiyakin ang pagsunod ng mga retailer sa EO39. | ulat ni Merry Ann Bastasa