Naka-activate na ang Inter-Agency Task Force ng Department of Transportation o DOTr kasunod ng kumakalat sa social media na umano’y bomb threat sa MRT-3.
Sa inilabas na pahayag ng DOTr, agad na ipinag-utos ni Transportation Secretary Bautista ang pag-activate sa IATF ng ahensya kasama ang DOTr Office for the Transportation Security, Department of Information and Communications Technology, Cybercrime Investigation Coordinating Center, Philippine National Police, at Railway Security.
Layon nitong paigtingin ang seguridad sa buong transportation sector sa bansa.
Ayon pa sa DOTr, nagsasagawa sila ng precautionary measures upang tiyakin na ligtas ang mga commuter.
Umapela naman ang DOTr sa mga netizen na huwag basta mag-share o magpakalat ng mga hindi kumpirmadong impormasyon upang hindi magdulot ng takot sa publiko.
Tiniyak naman ng DOTr-IATF na ginagawa nito ang lahat para matiyak na ligtas na bumiyahe sa mga pampublikong transportasyon.
Patuloy din ang isinasagawang assesment ng DOTr-IATF kaugnay sa kumakalat na umano’y bomb threat sa MRT-3 sa social media. | ulat ni Diane Lear
đź“·: DOTr