DPWH, naglagay ng booster pumps sa dalawang estero sa Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nailagay na ng Department of Public Works and Highways ang booster pumps para solusyunan ang pagbaha sa mga lugar ng Tondo, Sta. Cruz at Quiapo, Maynila.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, naglagay sila ng mga submersible axial pumps para pabilisin ang paghigop ng tubig sa mga Estero dela Reina at Estero de Quiapo.

Ang proyekto sa Estero dela Reina sa Sta. Cruz, Manila ay kinapapalooban ng 4-unit submersible axial flow pump na nakakapagtanggal ng isang cubic meter ng tubig-baha kada segundo.

Ito ay isang kumpletong set ng pumps at accessories kasama na ang pump house, generator sets, conveyor belt at automatic trash rakes na nagtatanggal ng mga basura at iba pang floating debris na maaaring pumasok at maging sanhi ng pagbara sa mga water pumps.

Apat na unit naman ng submersible axial pumps ang inilagay din sa Estero de Quiapo.

Ang paglalagay ng booster pumps ang isa sa mga priority project ng DPWH para maibsan ang nararanasan na mga pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. | ulat ni Michael Rogas

📷: DPWH

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us