DSWD at DTI namahagi ng financial assistance sa Lungsod ng Parañaque

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi na ang Department of Social Welfare and Development at Department of Trade and Industry ng financial assistance sa mga micro rice retailer sa lungsod ng Paranaque ngayong araw.

Ayon sa DSWD, nasa 129 micro small retailers ang nabiyayaan ng tig-P15,000 na ayuda mula sa national government.

Nagpapasalamat si Paranaque City Mayor Eric Olivares sa naging insiyatibo ng DTI at ng DSWD sa pagtulong sa kanilang mga micro rice retailer sa lungsod.

Nakapanayam rin ng Radyo Pilipinas si Cris Abaro, isa sa mga naging benepisyaryo ng financial asistance at ikinatuwa nito ang pamamahagi ng ayuda ng national government.

Nag-inspeksyon din si DTI Asec. Agaton Uvero upang tiyakin na maayos ang sitwasyon ng pamamahagi ng financial assistance. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us