Patuloy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanyang cash-for-work (CFW) payout para sa college student-beneficiaries sa ilalim ng Tara, Basa! Tutoring Program.
May 625 tutors and Youth Development Workers (YDWs) ang nakatanggap pa kahapon ng tig-P4,880 sa Taguig City University.
Ang kabuuang halaga ay katumbas ng walong araw na pagtuturo at pagsasagawa ng Nanay-
Tatay module sessions, na may daily rate na P610.
Nauna nang pinagkalooban ng kabayaran ang 432 college student-beneficiaries sa unang simultaneous payouts sa kanilang local universities at colleges sa Metro Manila.
Kabilang dito ang mga college student mula sa City of Malabon University; Navotas Polytechnic College; Universidad de Manila; at Parañaque City College. | ulat ni Rey Ferrer