Muling nagtungo ang mga kinatawan Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba’t ibang evacuation centers sa Albay.
Ito ay upang bisitahin ang mga residente na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ayon sa DSWD, muli silang magpapadala ng karagdagang tulong sa susunod na linggo para sa mga apektadong residente.
Mahigit 23,000 family food packs ang ipamamahagi ng ahensya sa ika-pitong yugto ng ayuda.
Batay sa pinakahuling ulat ng PHIVOLCS, nagkaroon ng mabagal na pagdaloy ng lava mula sa crater ng Bulkang Mayon, habang nakapagtala rin ng pitong volcanic earthquakes at 207 na rockfall events sa nakalipas na 24 oras.
Nananatili namang nakataas ang Alert Level 3 sa Bulkang Mayon. | ulat ni Diane Lear