DSWD Sec. Gatchalian, tinutukan ang distribusyon ng cash assistance sa mga maliliit na rice retailer sa Valenzuela

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal na tinutukan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang paglarga ng distribusyon ng cash assistance para sa maliliit na rice retailer sa lungsod ng Valenzuela.

Isinagawa ang payout sa Marulas Market kung saan nasa 136 na mga apektadong rice retailer ang target na bigyan ng tig-P15,000 ayuda.

Kabilang sa nakinabang rito si Mang Alex na may pwesto sa naturang palengke.

Aniya, malaking bagay na rin ang naturang ayuda pandagdag sa kanyang puhunan.

Si Jocelyn Reyes na nagtitinda naman ng bigas sa Polo Market, sinabi ring makatutulong ang hatid na ayuda ng pamahalaan para maibsan ang epekto sa kanyang kabuhayan ng EO 39.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Sec. Gatchalian na inaasahan nilang mas dadami pa ang micro rice retailers na maaabot ng tulong ng pamahalaan ngayong exempted na ang sustainable livelihood program sa election ban.

Samantala, iniulat din ng kalihim na sa batay sa kanilang datos, as of Sept. 12, nasa 1,000 rice retailers na sa bansa ang nakatanggap na ng cash assistance mula sa pamahalaan.

Sa ngayon ay mabilis na rin aniya ang usad ng distribusyon dahil simultaneous na ang mga payout hindi lang sa NCR kundi sa iba pang lugar sa bansa.

Mula rin sa 50%, umakyat na rin aniya sa 80-90% ang nagiging turnout sa bawat payout dahil sa pagtutulungan na rin ng DSWD, DTI, DILG. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us