DSWD, tumanggap ng donasyong mga bigas mula sa BOC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatanggap ang Department of Social Welfare ng donasyong mga bigas mula sa Bureau of Customs.

Pinangunahan ni DSWD Usec. for Operations Monina Josefina Romualdez ang pagtanggap ng donated bags ng Alas Jasmine Fragrant Rice sa Bureau of Customs-Port of Zamboanga (BOC-POZ) noong September 7.

Ayon sa DSWD, nasa kabuuang 42,000 bags ng Jasmine Rice ang ibinigay ng BOC na bahagi ng mga nakumpiska mula sa isang raid na ikinasa sa warehouse sa Barangay San Jose Gusu, Zamboanga City noong Mayo.

Ang mga bigas namang ito ang ipinamamahagi na ng DSWD katuwang si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mahihirap na pamilya sa Zamboanga ngayong araw.

Nagkaroon din ng simultaneous distribution sa mga munisipalidad ng Tungawan at Sibuco at sa Zamboanga City.

Pagtityak ng DSWD, unang batch pa lang ito ng mga pamilyang makikinabang sa donasyon ng BOC dahil target itong palawakin pa ng ahensya hanggang maabot ang higit 42,000 ring pinakamahihirap na pamilya. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us