First Lady Liza Araneta Marcos at DOH, pinangunahan ang paglulunsad ng ‘LAB For All’ sa Bulacan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dinala na rin nina First Lady Liza Araneta Marcos, Department of Health (DOH) at iba pang national government agencies ang Lingap at Alagang Bayanihan o LAB for All Caravan, sa San Rafael Bulacan.

Mismong ang Unang Ginang at mga Head Official ng DOH ang personal na nangasiwa sa naturang caravan para magbigay ng libreng serbisyong medikal.

Ang caravan na ito ay inisyatibo ng Administrasyong Marcos Jr., upang magpaabot ng libreng serbisyong pangkalusugan gaya ng pamamahagi ng libreng gamot at konsultasyon para sa pediatrics, obstetrics, gynecology, ECG, dental extraction, minor surgeries, eye check-up, family planning, at HIV and STI consultation at iba pa.

Bukod sa DOH, naghatid din ng tulong at suporta ang iba pang mga ahensya ng gobyerno gaya ng Department of the Interior and Local Government, Department of Agriculture, Department of Social Welfare and Development, Technical Education and Skills Development Authority, Food and Drug Administration, Philippine Health Insurance Corporation at lokal na pamahalaan ng Bulacan.

Ayon kay DOH Undersecretary Gloria Balboa, patuloy na sumusuporta ang DOH sa programa ng pamahalaan na LAB for ALL Caravan, alinsunod na rin sa Universal Health Care na naglalayong ilapit sa bawat Pilipino ang libre at kalidad na serbisyong pangkalusugan.

Bukod sa Bulacan, nailunsad na rin ang LAB for All Caravan ng Unang Ginang sa Baguio City, Batangas at NCR. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us