Halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng bagyong Goring, higit P1 bilyong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagan pa ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng nagdaang bagyong Goring at Habagat.

Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Agriculture-DRRM Operations Center, pumalo na sa P1.07 billion ang pinsala sa agri-fisheries sector.

Nasa 31,060 ang bilang ng mga magsasaka na naapektuhan; habang nasa 46,811 metric tons ang nasirang produksyon; at 42,333 na ektaryang lupain ang napinsala.

Karagdagang datos ng pinsala ay mula sa CALABARZON, Western Visayas at MIMAROPA regions.

Kabilang sa mga apektadong pananim ay palay, mais, high value crops, livestock at poultry.

Tiniyak naman ng DA na may nakahandang ayuda ang kagawaran para sa mga apektadong magsasaka.

Kabilang dito ang P100 milyong halaga ng binhi ng palay, mais at mga assorted vegetable seed, mga gamot para sa livestock, at poultry. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us