Hepe ng Bacoor PNP, pinasisibak sa puwesto matapos ang pagkakaaresto sa 2 pulis at 1 sibilyang sangkot sa pangongotong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. ang pagsibak sa puwesto kay Bacoor City Police Station Chief, Police Lieutenant Colonel Ruther Saquilayan.

Ito’y kasunod ng pagkakaaresto ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa dalawang pulis, matapos na ireklamo ng pangongotong sa mga tricycle driver at operator sa nabanggit na lugar.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame kaninang umaga, sinabi ni Acorda na ang hakbang ay bunsod ng command responsibility dahil sa pinaiiral na one strike policy, bilang bahagi ng internal cleansing program ng pulisya.

Samantala, tinutugis pa rin ng pulisya ang hepe ng Bacoor Traffic Management Department na si Edralin Gawawan na nakatakas matapos ang operasyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us