Higit 16,000 N-95 facemasks, ipinamahagi ng OCD Calabarzon sa Batangas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ng nasa 16,800 N-95 facemasks ang Office of Civil Defense (OCD) CALABARZON sa Probinsya ng Batangas, bilang tulong sa mga residenteng apektado ng ibinubugang sulfur dioxide ng Bulkang Taal na nagdudulot ng volcanic smog o vog.

Kasunod ito ng naiulat na 112 indibidwal mula sa mga bayan ng Tanauan City, Malvar, Mataas na Kahoy, Agoncillo, Nasugbu at Tuy ang nakaranas ng hirap sa paghinga, pananakit ng dibdib at iba pang sintomas ng vog.

Umabot na rin sa 62 local government units (LGU) mula sa mga probinsya ng Batangas, Cavite at Laguna ang nagdeklara ng suspesnyon ng klase ngayong araw, at may iba ring nag-shift na sa modular distance learning.

Nakataas pa rin sa Blue Alert status ang Regional Emergency Operations Center, kaya’t patuloy ang isinasagawang koordinasyon nito sa mga opisina ng pamahalaan at LGU, para matiyak na handa ito oras na lumala ang sitwasyon sa Bulkang Taal. | ulat ni Hazel Morada

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us