Higit 200 PDL, nakapagtapos ng pag-aaral sa ilalim ng ALS -QCJMD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa 207 Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa Quezon City Jail Male Dormitory ang nakapagtapos na ng kanilang pag-aaral sa ilalim ng Alternative Learning Systems (ALS).

Nasa 53 sa kabuuang bilang ang elementarya at 154 naman ang junior high school.

Idinaos ang graduation ceremony sa pasilidad ng QCJMD sa pakikipagtulungan ng DEPED Quezon City-

School Division Office Alternative Learning System (ALS).

Pinuri ni QCJMD Warden Jail Supt Michelle Ng Bonto si City Mayor Joy Belmonte dahil sa malakas na suporta sa pag-aaral at pag-unlad ng PDLs.

Gayundin ang pagkilala sa kanilang karapatan na magkaroon ng maayos na edukasyon ano man ang edad at katayuan sa buhay at para sa pagtiyak na ang edukasyon ay pantay, inklusibo, at bukas sa lahat.

Ang ALS Education para sa PDL ng QCJMD ay kinilala bilang Top 1 ALS Learning Center sa District 4 para sa School Year 2022-2023.

Una rito, nakipagkasundo ang QCJMD sa Fernando C. Amorsolo Senior High School,sa pakipagtulungan ng QC LGU, DEPED – QC SDO, para sa ALS Senior High School Program na binubuo ng TESDA Certified Courses. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us