House leader, pinarerepaso ang prangkisa ng power companies at electric cooperatives

Facebook
Twitter
LinkedIn

Panahon na para repasuhin ng Kongreso ang prangkisa na iginawad sa mga power company kasama ang electric cooperatives.

Ito ang inihayag ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo bunsod aniya ng palagiang brownout sa buong bansa.

Sa isang social media post, idiniin nitong dapat nang rebyuhin ng Kamara at Senado ang lahat ng franchise ng power companies

Hindi naniniwala ang mambabatas na nagkataon lang ang sabay-sabay na brownout na kapwa pare-parehong dahil sa pumutok o nag-trip na breaker.

Ilan sa ‘special mention’ ng kongresista ang Peninsula Electric Cooperative (Penelco) ng Bataan, Palawan Electric Cooperative (Paleco), at Davao Oriental Electric Cooperative (Doreco) sa Davao Oriental. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us