Inumpisahan na ngayong hapon ang pamamahagi ng ikalawang batch ng pamimigay ng ayuda ng mga rice retailer.
Pasado ala-1 ng hapon, nag-umpisa ang pamamahagi ng cash assistance sa mga micro rice retailer sa Taguig City.
Kung saan ito na ang ikalawang batch ng pamamahagi ng naturang ayuda.
Ayon sa Taguig City, nasa 10 rice retailers ang pagkakalooban ng lokal na pamahalaan at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na hindi nakapunta sa naunang pamimigay ng ayuda sa lungsod kamakailan.
Makakatanggap ang mga ito ng tig P15,000 ayuda mula sa DSWD. | ulat ni AJ Ignacio