Muling magsasagawa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI) ng cash assistance payout para sa mga rice retailer na apektado ng Executive Order-39 sa Quezon City.
Nakaiskedyul ngayong araw ang payout sa ikatlong palapag ng Community Building Center ng Quezon City Hall Complex, na magsisimula mamayang alas-8 ng umaga.
Dito, inaasahang aabot sa higit 200 micro rice retailers ang makakatanggap ng kanilang financial aid sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD.
Aabot naman sa ₱3.6-million ang pondong nakahanda para sa payout ngayong araw sa QC.
Una nang iniulat ng DSWD na mahigit 4,000 nang maliliit na rice retailers na apektado ng ipinatutupad na price cap sa bigas ang nakatanggap na ng ₱15,000 na livelihood assistance mula sa pamahalaan. | ulat ni Merry Ann Bastasa