Ilang micro rice retailers sa Mega Q Mart, wala nang limit sa pagbenta ng murang bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala nang limit ang bentahan ng murang bigas sa ilang stalls sa Mega Q Mart sa Quezon City.

Ayon sa ilang retailers, tulad ni Ginang Roda Macaganda, tuloy-tuloy na ang nakukuha nilang suplay ng bigas sa sa Bocaue Bulacan.

Ang ibang rice retailers naman katulad ni Crista Zara ay nakadepende pa rin sa suplay na ibinibigay sa kanila ng pamunuan ng Mega Q Mart.

Sa simula pa lang ng mandated price ceiling na P41 at P45 sa regular at well-milled rice, limitado lamang sa tatlo hanggang limang kilo ang kanilang bentahan sa bigas.

Kabilang ang Micro Rice Retailers sa Mega Q Mart na makakatanggap ng P15,000 cash aid na ipagkakaloob ng gobyerno para makabawi sa kanilang pagkalugi. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us