Init factor sa QC ngayong araw, pumalo sa 39 degrees Celsius – QCDRRMO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagtala ng 33-degree Celsius (°C) na temperatura at 58% na relative humidity ang PAGASA Science Garden AWS, kaninang alas-12:09 ng tanghali.

Ito ay may heat index o init factor na 39°C na kinokonsidera bilang extreme caution.

Ang heat index ay temperaturang nararamdaman ng ating katawan.

Kailangan ng ibayong pag-iingat, dahil ito ay maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), maaari pang tumaas ang init ng panahon sa mga susunod na oras.

Dahil dito, hinihikayat ang publiko na uminom ng maraming tubig at manatili sa loob ng tahanan kung kinakailangan upang makaiwas sa sakit na dala ng sobrang init. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us