Itinuturing na crypto-currency king, arestado ng CIDG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang itinuturing na “crypto-currency king” na nakapanloko ng daang-milyong piso mula sa kanyang mga investor.

Kinilala ni Police Colonel Thomas Valmonte, Chief ng Legal Division ng PNP-CIDG, ang suspek na si Vance Joshua Tamayo, 23, negosyante at residente ng Talaba Olympia, Makati City.

Ang suspek na nahaharap sa kasong large scale estafa ay naaresto kaninang madaling araw sa operasyon sa Parañaque City.

Ayon kay Col. Valmonte, isa sa complainant ay nakapag-invest ng P50 milyong matapos pangakuan ng 4.5 percent monthly interest rate, ngunit hindi na raw ito nabayaran ng suspek.

Mahigit sampung complainants pa ang inaasahan ng PNP-CIDG.

Bukod kay Tamayo, naaresto rin ng mga tauhan ng PNP-CIDG ang umano’y secretary ni Tamayo na si Gerome Viñas Laries na nahaharap na rin ngayon sa kaso.

Ang dalawang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP-CIDG RFU NCR habang inihahanda ang mga dokumento sa pagsasampa ng kaso laban sa kanila. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us