Kagawad at miyembro ng CAGFU, arestado sa paglabag sa ‘gun ban’ sa Eastern Samar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang kagawad ng barangay at isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang inaresto ng Eastern Samar Police dahil sa paglabag sa umiiral na ‘gun ban’ kaugnay ng papalapit na BSKE.

Unang naaresto sa checkpoint na inilatag ng Gen. MacArthur MPS noong Agosto 28, 2023 ang kagawad ng Brgy. Aguinaldo, na si Romeo C. Baillo matapos makumpiskahan ng itak.

Samantala, arestado rin sa police response ng Borongan City Police Station ang isang miyembro CAFGU na si Joel R. Magay, na nakuhaan ng caliber .38 revolver na kargado ng dalawang bala at walang kaukulang dokumento.

Maliban sa paglabag sa Omnibus Election Code, ang dalawang suspek ay nahaharap din sa kasong illegal possession of firearms at deadly weapon.

Umaapela naman si Provincial Director, PCol. Jose Manuel Payos sa publiko na sumunod sa mga batas na umiiral para sa isang mapayapang halalan. | ulat ni Ma. Daisy Amor Belizar | RP1 Borongan

📸: Gen MacArthurMPS/Borongan CPS

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us